Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang pagkakaloob ng alinmang bansa o indibiduwal ng plataporma para sa mapangwatak na aktibidad ni Dalai Lama. Aniya, iniharap na ng panig Tsino ang solemnang representasyon sa panig Hapones hinggil sa pagbisita ni Dalai Lama sa bansang ito.
Ayon sa ulat, dumating kahapon ng Hapon si Dalai para sa 10-araw na pagbisita doon. Sa panahon ng kanyang pananatili, idaraos niya ang umano'y aktibidad na panrelihiyon. Makikipag-ugnayan din siya sa ilang personaheng pulitikal ng Hapon.
Salin: Vera