|
||||||||
|
||
Itinakda kahapon ng presidium ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC para isumite sa sesyong plenaryo nito ang listahan ng mga kandidato ng mga miyembro ng komite sentral at Central Discipline Commission ng CPC.
Nangungulo si Hu Jintao sa pulong ng presidium
Idinaos kahapon sa Beijing ang ika-2 pulong ng presidium ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC. Sa pulong na ito, ipinaliwanag ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Pambansang Kongreso ang nilalaman ng nasabing listahan ng mga kandidato sa pulong na ito.
Bukod dito, ipinasiya din ng presidium na isumite sa sesyong plenaryo ang panukala ng resolusyon sa ulat ng Ika-17 Komite Sentral ng CPC, panukala ng resolusyon sa Ika-17 Central Discipline Commission ng CPC, at panukala ng pagsusog sa CPC Constitution.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |