Sa news briefing kahapon ng sesyong plenaryo ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Paritido Komunista ng Tsina o CPC, sinabi ni Tian Jin, Pangalawang Direktor ng State Administration of Radio, Film, and TV o SARFT, na dapat ibayo pang palakasin ang kakayahang kompetetibo ng mga domestikong pelikula.
Sapul nang pumasok ang taong ito, kinakaharap ng mga domestikong pelikula ang malaking hamon. Ayon sa datos ng SARFT, mula Enero hanggang katapusan ng Oktubre, ang bilang ng mga domestikong pelikula ay umabot sa 638, pero ang proporsyon ng mga ito sa kabuuang box-office ay katumbas ng 41.4% lamang. Ito ay bumaba nang malaki kumpara sa tinalikdang taon.
Hanggang sa kasalukuyan, ang kabuuang box-office ng mga pelikula sa Tsina ay umabot sa 13.272 bilyong RMB na lumaki ng 40% kumpara sa taong 2011.