Sinabi ngayong araw sa Beijing ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pagkatig ng puwersang makakanan ng Hapon sa mga aksyon ni Dalai Lama ay pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina. Matinding kinokondena aniya ng panig Tsino ang aksyong ito.
Ayon sa ulat, nagtalumpati kaninang umaga si Dalai Lama sa mababang kapulungan ng Hapon. Itinatag ng 140 mambabatas na Hapones ang koalisyon ng mga mambabatas para katigan ang pagsasarili ng Tibet.
Kaugnay nito, sinabi ni Hong na matinding tinututulan ng Tsina ang pagkatig ng anumang bansa at indibiduwal sa separatistang aksyon sa Tibet.