Nasa ika-5 araw na ang sagupaan ng Israel at Palestina. Binomba kahapon ng Israel ang ilang target sa Gaza. Hanggang sa kasalukuyan, 69 na Palestino ang nasawi sa nasabing aksyong militar.
Kaugnay nito, sa kanyang pakikipag-usap kahapon kay dating Punong Ministro Tony Blair ng Britanya, Sugo sa isyu ng Gitnang Silangan, binigyang-diin ng Hari ng Jordan na dapat isagawa ng komunidad ng daigdig ang hakbangin para kaagad matigil ang aksyong militar ng Israel sa Gaza, upang maiwasan ang lalo pang paglalala ng situwasyon. Ito aniya'y makakasama, hindi lamang sa prosesong pangkapayapaan ng Gitnang Silangan, kundi makakaapekto rin sa kalagayan ng rehiyon.
Samantala, ipinahayag din ang Pransya at Ehipto ang pag-asa magkakaroon ng tigil-putukan ang Israel at Palestina, at mararating ang kasunduang pangkapayapaan sa lalong madaling panahon.