Ngayong araw, opisyal na nakipagtagpo si Wen Jiabao, Premiyer ng Tsina na dumadalaw sa Thailand, kay Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng Thailand, at kapuwa sila lumahok sa seremoniya ng pagbubukas ng Sentro ng Kulturang Tsino sa Bangkok. Pagkatapos ng pagtatagpo, buong pagkakaisang ipinalalagay ng dalawang PM na masaya sila sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Magkasamang silang magsisikap para pasulungin ang bilateral na kooperasyon para matamo ang bagong progreso batay sa komprehensibong estratehokong partnership.
Ipinahayag ni Yingluck Shinwatra na buong tatag na nananangan ang kanyang bansa sa patakaran ng pagkakaibigan sa Tsina. Nakahanda ang kanyang bansa na pahigpitin ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa iba't ibang antas, at umaasa silang pasusulungin ang walang humpay na pagdaragdag ng bilateral na kalakalan at pamumuhunan para magkasamang pasulungin ng dalawang bansa ang komunikasyon sa rehiyong ito.
Ipinahayag ni Premiyer Wen na sa ilalim ng kasalukuyang background na malalim na binababago ang kalagayang panrehiyon at pandaigdig, dapat kumatig ang Tsina at Thailand sa isa't isa at magtulungan para sa magkasamang pag-unlad. Nakahanda ang Tsina na lalo pang pahigpitin ang koordinasyon ng dalawang bansa sa mga suliraning panrehiyon, pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN, para pasulungin ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito. Kasabay nito, nakahanda ang Tsina na magkaloob ng tulong para sa pagpapataas ng Thailand ng lebel ng pagtuturo sa wikang Tsino, at positibong pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa kultura, turismo, pagpapalitan ng mga kabataan at iba pang larangan.
Salin:Sarah