Binuksan kahapon ang Ika-7 Kampong Pangkabataan ng Tsina at ASEAN sa Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi.
Sumapi sa aktibidad na ito ang mahigit isang daang kinatawan mula sa 10 bansa ng ASEAN at Tsina, na kinabibilangan ng mga entrepreneur, opisyal ng pamahalaan, estudyante, at mamamahayag.
Sa 5 araw na pananatili sa Nanning, magpapalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok hinggil sa tema ng pagtatrabaho at pag-unlad ng mga kabataan sa hinaharap, at ibabahagi rin sa kanila ang natamong tagumpay at maging ang mga tanawin ng Guangxi.