|
||||||||
|
||
Ipinahayag dito sa Beijing kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang ilegal na "pagbili" ng Hapon sa Diaoyu Islands ay humantong sa kasalukuyang masalimuot na kalagayan ng relasyong Sino-Hapones. Aniya, palagiang iginigiit ng Tsina ang patakarang pandepensa, at ang pagpapalakas ng konstruksyon ng tanggulan at pagmomodernisa ng hukbo nito ay para sa pangangalaga sa katiwasayan, soberanya, at kabuuan ng teritoryo ng sariling bansa lamang. "Hindi ito nakatuon sa alinmang bansa," dagdag pa ni Hua.
Binigyang-diin din niyang sa mula't mula pa'y tumatahak ang panig Tsino sa landas ng mapayapang pag-unlad. Ang Tsina aniya ay nananatiling mahalagang puwersa sa pangangalaga ng kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Batay sa pangkalahatang kalagayan ng rehiyon, aktibong nagpupunyagi ang Tsina para malutas ang mga kinauukulang isyu sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian, dagdag pa niya.
Ani Hua, nitong nakalipas na ilang taon, sa pamamagitan ng iba't ibang katwiran at paraan, pinalakas ng Hapon ang mga sandata nito, at pinalawak ang alyasang militar sa iba't ibang bansa. Sa isyu naman ng katiwasayang panrehiyon, walang tigil na lumikha ang Hapon ng alitan; bagay na nakatawag ng malawakang pansin ng mga bansa sa rehiyong ito, at komunidad ng daigdig. Dapat mataimtim na pagsisihan aniya ng Hapon ang sariling kilos, at gumawa ng mga bagay na makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |