Ipinahayag kahapon dito sa Beijing ni Geng Yansheng, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na itinatatag ng kanyang bansa ang malakas puwersang pandagat, para pataasin ang kakayahan sa paggalugad ng yamang dagat, paunlarin ang kabuhayang pandagat at pangalagaan ang kapakanang pandagat ng Tsina. ito aniya ay para mapatupad ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, sa halip na magpalawak ng puwersa at maghangad ng hegemonismong pandagat.
Binigyan-diin pa niyang buong tatag, na pangangalagaan ng Tsina ang soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran ng bansa, at hindi ito susuko sa alinmang puwersang panlabas.
Idinagdag pa niyang sa mula't mula pa'y, iginigiit ng Tsina, na lutasin ang alitang pandaigdig sa mapayapang paraan at tinututulan ang paggamit ng sandatahang lakas.