Isinagawa kahapon ng hanay ng navy vessels ng Tsina ang magkasanib na pagsasanay sa pagliligtas ng mga bapor at helicopter sa isang rehiyong pandagat sa Western Pacific.
Sa pagsasanay kahapon ng umaga, matagumpay na natapos ng "Hangzhou" vessel, "Ningbo" vessel, "Zhoushan" vessel, "Ma'anshan" vessel at isang shipboard helicopter ang dalawang beses na magkasanib na pagsasanay sa pagliligtas. Sa pamamagitan ng naturang pagsasanay, nakakuha ang hukbong pandagat ng Tsina ng mas maraming karanasan sa aspekto ng magkasanib na pagliligtas ng mga bapor at helicopter sa laot. Mabisang pinataas din nito ang kakayahan ng hukbo sa pagsasagawa ng mga tungkuling militar na walang kaugnayan sa digmaan, at pagbibigay-tulong sa pagpapatupad ng batas ng lokal na departamento.
Salin: Vera