|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat kahapon ng Korean Central News Agency (KCNA), mula ika-10 hanggang ika-22 ng buwang ito, ilulunsad ng Hilagang Korea ang ika-2 "Kwangmyongsong-3" practical satellite, sa pamamagitan ng sariling kakayahan at teknolohiya.
Ipinahayag ng tagapagsalita ng Korean Committee for Space Technology, na itinakda na ng kanyang bansa ang ligtas na orbita ng paglipad. Ang labi ng carrier rocket ay hindi magbubunga ng epekto sa mga nakapaligid na bansa.
Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng paglulunsad ng satellite noong nagdaang Abril, iginarantiya ng Hilagang Korea sa pinamataas na digri ang transparency ng paglulunsad ng mapayapang satellite, bagay na nagbigay ng pagtitiwalaang pandaigdig sa bansa sa larangan ng pananaliksik sa kalawakan at paglulunsad ng satellite. Aniya, sa proseso ng gaganaping paglulunsad ng satellite, susundin ng Hilagang Korea ang mga kinauukulang tadhana at pamantayang pandaigdig.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |