|
||||||||
|
||
Nagpahayag kamakailan sa Seoul si Pangulong Lee Myung Bak ng Timog Korea ng pag-asang ibayo pang mapapaunlad ng Tsina at Timog Korea ang bilateral na relasyon.
Ani Lee, nitong nakalipas na 5 taon, pinataas ng Tsina at Timog Korea ang kanilang relasyon sa estratehikong partnership na pangkooperasyon. Naging mabungang-mabunga ang ganitong relasyon.
Dagdag pa niya, ang isinasagawang talastasan sa kasunduan ng malayang kalakalan ng Tsina at Timog Korea ay ibayo pang magpapalakas ng pundasyon ng kooperasyon ng kapuwa panig sa larangang pangkabuhayan.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |