Sa Guanlei Port, Lalawigang Yunnan ng Tsina—sinimulan dito kahapon ang ika-7 magkakasanib na pamamatrolya at pagpapatupad ng batas ng Tsina, Laos, Myanmar, at Thailand sa Mekong River.
Bukod sa pamamatrolya sa buong rehiyon ng Mekong River, isasagawa rin ng apat na bansa ang 2-araw na magkakasanib na pagsusuri sa mga pinaghihinalaang bapor, tauhan, paninda, ipinadalang bagay, at iba pa, para mabigyang-dagok ang mga ilegal na krimen na gaya ng pagpupuslit ng droga't baril, at ilegal na pagtawid. Maayos ding hahawakan ng mga nasabing bansa ang iba't ibang pangkagipitang pangyayari na magaganap sa rehiyon ng Mekong River.
Salin: Vera