Sa Nanning, Guangxi ng Tsina—Ipininid dito kahapon ang ika-18 pulong na ministeryal ng kooperasyong pangkabuhayan ng Greater Mekong Subregion (GMS). Ipinasiya sa pulong ang pagtatatag ng alyansa ng daambakal ng GMS, para koordinahin ang pag-uugnayan ng mga pangunahing daambakal sa rehiyon, at mapabilis ang pagsasagawa ng mga proyekto ng transnasyonal na daambakal.
Pawang ipinalalagay ng mga kalahok ng iba't ibang kasaping bansa, na mahalagang mahalaga ang katuturan ng pagtatatag ng ganitong alyansa, para sa pagpapasulong ng pag-uugnayan ng mga daambakal sa GMS, at pagpapasulong ng transnasyonal na paghahatid ng paninda. Mapapasulong din nito anila ang paghahatid ng pasahero at paninda sa pagitan ng mga bansa sa loob at labas ng GMS, at lilikha ng mainam na kapaligiran, para sa pagpapalakas ng pagpapalagayang pangkabuhaya't pangkalakalan ng iba't ibang bansa.
Salin: Vera