Idinaos kahapon sa Nanning, Tsina, ang ika-18 Pulong Ministeryal ng Greater Mekong Sub-Region Economic Cooperation (GMS). Lumahok sa pulong na ito ang mga kinatawan mula sa Tsina, Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand at Byetnam.
Sa nasabing pulong, nilagdaan ang memorandium sa pagitan ng mga pamahalaan hinggil sa pagtatatag ng panrehiyong sentro ng koordinasyon ng koryente; pinasulong ang resolusyon ng liga ng mga daambakal ng ASEAN; binalangkas ang framework at plano ng aksyon ng human resource ng GMS; isinagawa ang plano ng aksyon para sa pagpapababa ng panganib ng AIDS; at nilagdaan ang kasunduan hinggil sa lansangang transnasyonal sa rehiyong panghanggahan ng Tsina at Byetnam.
salin:wle