Mula bukas hanggang ika-18 ng buwang ito, idaraos sa Beijing ang ika-7 Pandaigdig na Pulong ng Confucius Institute.
Lalahok sa pulong na ito ang mahigit 2000 personahe na kinabibilangan ng mga presidente ng mga pamantasan at mga puno ng mga Confucius Institute ng 108 bansa at rehiyon ng daigdig. Tatalakayin nila ang hinggil sa mga gawain ng Confucius Institute nitong nakalipas na isang taon, pagpapalaganap ng China Study sa Confucius Institute, integrasyon ng Confucius Institute sa mga pamantasan at lokal na komunidad, at mga iba pang paksa.