Isang panel ang sinimulan kahapon sa WTO, bilang pagsusuri sa patakarang pangkalakalan ng Estados Unidos. Samantala, sasagutin ng panig Amerkano ang mga tanong ng mga miyembro ng WTO hinggil dito.
Sa kanyang talumpati sa pulong, tinukoy ni Yi Xiaozhun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa WTO, na kailangang pabutihin ng Amerika ang kanyang patakarang pangkalakalan, kabilang ang pagpapatupad sa arbitrasyon ng WTO, inabusong pagbibigay-ginhawa, at pagsasagawa ng diskriminatoryong pagpigil sa pagluluwas. Aniya, ito ay mga isyung pinahahalagahan ng mga umuunlad na bansa.
Hinimok din ni Yi na dapat maging positibo ang Amerika sa Doha Round Negotiations.