Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Beijing sa delegasyon ng United Russia Party, na pinamunuan ni Boris Gryzlov, Supreme Leader ng partido, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng CPC, na ang pagpapasulong ng mapagkaibigang relasyon sa Rusya ay isang di-mababagong priyoridad ng bagong liderado ng CPC. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Rusya, para pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa, at kooperasyon ng dalawang partido.
Ang delegasyong Ruso ay nasa Beijing, para sa ika-3 pulong ng regular na diyalogo ng naghaharing partido ng Tsina at Rusya. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa mga isyung may kinalaman sa direksyong sosiyalismong may katangiang Tsino, pakikibaka laban sa korupsyon, at pagpapasulong ng demokrasiya sa loob ng partido.