Kahapon, ipinalabas ng World Bank o WB ang Ulat hinggil sa kalagayang pangkabuhayan ng mga umuunlad na economy sa rehiyon ng Silangang Asiya at Pasipiko. Sinabi ng ulat na hindi maganda ang kalagayang pangkabuhayang pandaigdig sa taong 2012, pero, nananatiling masigla ang mga umuunlad na economy sa rehiyon ng Silangang Asiya at Pasipiko. Itinaas ng ulat ang pagtayang paglaki ng kabuhayan sa rehiyong ito ng taong ito sa 7.5%, at itinaas rin sa 7.9% ang pagtaya ng paglaki ng kabuhayan sa susunod na taon.
Kasabay nito, itinaas ng WB ang pagtaya sa paglaki ng kabuhayang Tsino sa 2012 sa 7.9% mula 7.7%. Sinabi nitong nakarekober na ang kabuhayang Tsino sa loob ng ilang buwan ng taong ito.
Tinukoy ng ulat na, maliban sa Tsina, ang pagtaya ng paglaki ng kabuhayan sa 2012 ng mga umuunlad na economy ng Silangang Asiya ay umabot sa 5.6%. Bukod dito, unti-unting nakabangon rin ang Thailand mula sa napakalahing baha noong nakaraang taon, at malakas ang paglaki ng kabuhayan ng Pilipinas, mabagal ang paglaki ng kabuhayan sa Indonesiya at biyetnam, ang ang reporma ng Myanmar ay naging tampok ng rehiyong ito.
Salin:Sarah