Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Li Keqiang: Makikinabang sa pag-unlad ang mga mamamayan

(GMT+08:00) 2012-12-21 17:25:28       CRI
Binigyang-diin kamakailan ni Li Keqiang, Pangalawang Premyer ng Tsina, na dapat pataasin ang kalidad at episyensya ng pag-unlad ng kabuhayan sa taong 2013. Aniya pa, ito ay para makinabang ang mga mamamayang Tsino.

Sinabi ni Li na dapat isagawa ang reporma sa kabuhayan at lipunan para makalikha ng pantay-pantay na kapaligiran, pagkakataon, at karapatan para magdulot ng aktuwal na kapakanan para sa mga mamamayang Tsino.

Winika ito ni Li sa simposiyum ng reporma at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Umaasa aniya siyang sabay na lalaki ang pambansang kabuhayan, at tataas ang kita ng mga mamamayan.

Dumalo sa simposiyum na ito ang mga punong lokal ng iba't ibang lugar ng Tsina. Tinalakay ng mga kalahok na opisyal ang mga isyung gaya ng pagsasalunsod, paghihikayat ng pondo ng mga pamahalaang lokal, pag-unlad ng modernong agrikultura, pag-unlad ng mga mahihirap na lugar, at pagbabago ng mga tradisyonal na industriya.

Kaugnay ng mga malawak at pambansang isyu, kinatigan ni Li ang mga departamento at pamahalaang lokal na nagsasagawa ng pag-aaral at pagpapalitan para mahanap ang bagong paraan ng paglutas.

Nang mabanggit ang gawaing pangkabuhayan sa taong 2013, sinabi ni Li na ang pag-unlad ng kabuhayan ay dapat magkaloob ng mas maraming pagkakataon ng hanap-buhay. Ito aniya ay makakabuti sa pagpapatibay ng pananalig ng mga mamamayan sa kabuhayan at pamumuhay.

Binigyang-diin ni Li na ang paglaki ng pambansang kabuhayan ay bunga ng pagpapalawak ng pangangailangang panloob. Ang reporma aniya ay pangunahing paraan para palawakin ang pangangailangang panloob. Iniharap din niya ang mga mungkahi hinggil sa ibayo pang pagpapasulong ng reporma sa kabuhayan at lipunan.

Ang mga hakbangin ay kinabibilagnan ng pagsasagawa ng reporma sa household registration system, konstruksyon ng mga imprastruktura at pabahay sa mga lunsod at kanayunan, pagpapabuti ng pangangasiwa sa pondo, paggarantiya ng kaligtasan ng pagkaing-butil, pangangalaga sa mga bukirin at pagpapaunlad ng modernong agrikultura.

Pinayuhan ni Li ang mga kalahok na opisyal na maayos na tugunan ang mga inaasahan at kailangan ng mga mamamayan hinggil sa reporma.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>