Nitong nakalipas na ilang taon, natamo ng kooperasyon sa pamumuhunang panlabas ng Tsina ang malaking pag-unlad. Kasabay ng pagbilis ng hakbang ng paglabas ng mga bahay-kalakal ng Tsino, may walang humpay ring inobasyon ang paraan ng pamumuhunan. Ipinahayag kamakalawa ni Chen Runyun, opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sa kasalukuyan, naging bagong tampok sa pamumuhunang panlabas ng Tsina ang transnasyonal na pagsasama-sama ng mga kompanya.
Isinalaysay ni Chen na nitong nakalipas na ilang taon, walang humpay na lumalawak ang saklaw ng pamumuhunang panlabas ng Tsina, at nanatiling mabilis ang pag-unlad nito. Kahit sa ilalim ng malubhang epekto ng pandaigdig na krisis na pinansiyal, matatag na lumaki ang direktang pamumuhunang panlabas ng Tsina, bagay na nagpatingkad ng positibong papel para sa pagpapasulong ng matatag at may kabilisang paglago ng pambansang kabuhayan.
Salin: Vera