Sa Nanning, Guangxi Rehiyong Awtonomo ng Tsina---sa bisperas ng ika-10 anibersaryo ng pagbalangkas ng kasunduan hinggil sa pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at ASEAN, idinaos dito kahapon ang Symposium hinggil sa Kalagayan ng ASEAN at Relasyon ng Tsina at ASEAN sa taong 2012.
Ipinalalagay ng mga kalahok na nananatiling mainam ang relasyong pangkooperasyon at pangkaunlaran sa pagitan ng Tsina at ASEAN sa kasalukuyan at hinaharap. Anila, dapat ibayo pang pahigpitin ang pagtutulungang pampulitika ng dalawang panig, batay sa pagpapasulong ng pagpapalitang pangkabuhayan at pangkalakalan.