Naglakbay-suri kahapon si Fan Changlong, Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission ng Partido Kominista ng Tsina, sa Satellite Navigation and Positioning Station ng People's Liberation Army (PLA). Sa ngalan ng Central Military Commission at Tagapangulo nito na si Xi Jinping, binate ni Fan ang pormal na pagsasaoperation ng Beidou-2 Navigation Satellite System. Umaasa aniya siyang batay sa pangangailangan ng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan at militar, mapapasulong ng mga mananaliksik ang pag-unlad ng satellite navigation system sa mas mataas na antas, para mapatingkad ang mas malaking papel sa pangangalaga sa soberanya, katiwasayan at kaunlaran ng bansa.
Salin: Vera