Ayon sa ulat ng media ng Iran, sinimulan kahapon ang 6-araw na pagsasanay-militar ng hukbong pandagat ng Iran sa timog karagatan ng bansa.
Sinipi ng Islamic Republic News Agency ang pananalita ni Rear Admiral Habibollah Sayyari, Komander ng Hukbong Pandagat ng Iran na nagsasabing sasaklaw ang kasalukuyang pagsasanay-militar sa Gulf of Oman, Hormuz Strait, North Indian Ocean, Gulf of Aden at iba pang karagatan. Aniya, ididispley ng naturang pagsasanay ang kakayahan ng Iran sa pangangalaga sa purok-hanggahan sa karagatan at kapakanan ng bansa. Ito rin ay magpapadala ng signal ng kapayapaan sa mga kapitbansa, dagdag niya.
Salin: Vera