|
||||||||
|
||
Pagkaraang pagtibayin kahapon ng Senado ng Amerika ang isang kasunduan para itigil ang "Fiscal Cliff" sa bansa, pinagtibay naman kagabi ng Mababang Kapulungan ang kasunduang ito.
Pagkatapos ng mahigit 10 oras na talakayan, pinagtibay ang naturang kasunduan. Ipapadala ito kay sa Pangulong Barack Obama para lagdaan. Kaya, naiwasan ng Amerika ang malaking kaligaligan sa unang araw sa bagong taon.
Ayon sa kasunduan, para sa mga personahe na kumikita ng mahigit 400 libong dolyares o mga pamilya na kumikita ng mahigit 450 libong dolyares bawat taon, tataas ang kanilang buwis sa 39.6% mula 35%. Tataas din ang buwis sa pagmamana Bukod dito, ititigil ng naturang kasunduan ang pagbabawas ng buwis sa mga middle class, kaya tataas din ang kanilang buwis. Tungkol naman sa pagbawas sa gastos ng pamahalaan, sususpendihin din nang 2 buwan ng kasunduang ito hinggil ang pagbawas ng 110 bilyong dolyares na gastos ng pamahalaan na itinakdang simulan sa unang dako ng 2013.
Ayon sa ulat ng mass media, kahit naiwasan ang "Fiscal Cliff," hindi optimistiko ang pamilihan ng Amerika. Matindi ang talakayan sa Mababang Kapulungan ng Amerika hinggil sa kasunduang ito. Hindi rin ito ikinasiya ng mga mambabatas ng Partido Republikano, at malaki ang pagkakaiba ng palagay ng Partido Republikano at Partido Demokratiko. Ang mga ito ay makakaapekto sa kabuhayan ng bansa pagkaraan ng bagong taon.
Ayon sa ulat ng CNN, pinagtibay ang naturang kasunduan sa huling sandali, at walang tunay na panalo sa batas na ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |