|
||||||||
|
||
Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa New Delhi, India, ipinahayag kahapon ni Saeed Jalili, Punong Negosyador ng Iran, na sumang-ayon na ang kanyang bansa na muling makipagtalastasan sa 6 na bansang may kinalaman sa isyung nuklear ng Iran sa buwang ito. Pero, sinabi niyang di-pa tiyak ang konkretong araw at lokasyon ng talastasan.
Kinumpirma naman ng tagapagsalita ni Catherine Ashton, High Representative for Foreign Affairs and Security Policy ng Unyong Europeo o EU, ang nabanggit na impormasyon.
Kaugnay ng paglagda kamakalawa ni Pangulong Barack Obama ng Amerika sa panukalang batas hinggil sa pagpapataw ng bagong sangsyon sa Iran, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinapayo ng panig Tsino ang pagpapalakas ng kooperasyon ng Iran at International Atomic Energy Agency. Aniya, umaasa ang Tsina na idaraos ng Iran at naturang 6 na bansa ang bagong round ng diyalogo sa lalong madaling panahon, para hanapin ang komprehensibo, maayos, at pangmatagalang kalutasan sa siyung nuklear ng Iran.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |