Kahapon, sa New Delhi, lumalahok si Dai Bingguo, Kasangguni ng Estado ng Tsina, sa ika-3 pulong ng mga mataas na kinatawan sa suliraning panseguridad ng BRICS. Nanawagan si Dai na dapat palakasin ang kooperasyon ng mga bansa ng BRICS.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Dai na sa kasalukuyan, nagaganap ang mahalaga at malalim na pagbabago sa buong daigdig. Mabilis na umusbong ang mga bansa na may bagong pamilihan at mga umuunlad na bansa, at sila ay naging mahalagang puwersa na magpapasulong ng pagbabago ng kalagayang pandaigdig, at paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, dapat itatag ng mga bansa ng BRICS ang kompinyansa sa sariling pag-unlad, sa prospek ng pag-unlad, at sa kooperasyon ng isa't isa. Dapat palalimin ng mga bansa ng BRICS ang kooperasyon, palakasin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, mapangalagaan ang katarungan ng daigdig, pasulungin ang mapayapang pag-unlad ng daigdig, at dapat magsikap sila para magsilbing modelo ng bagong relasyon ng mga bansa sa dekada ng globalisasyon.