|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling estadistika ng Adwana ng Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, noong 2012, umabot sa mahigit 12 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan ng Guangxi at ASEAN, na lumaki nang 26%. Ito ay katumbas ng 40% ng kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Guangxi. Anito, ASEAN ay nananatiling pinakamalaking trade partner ng Guangxi nitong nakalipas na 13 taong singkad.
Noong nagdaang taon, mahigit 9 na bilyong dolyares naman ang pagluluwas ng Guangxi sa ASEAN na lumaki ng halos 37%; samantalang umabot sa halos 3 bilyong dolyares ang pag-aangkat nito mula sa ASEAN, na bumaba ng 0.9%.
Tinukoy ng naturang adwana, na kasabay ng walang humpay na pagsulong ng kontruksyon ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, at proseso ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, tuluy-tuloy na lalawak ang kalakalan sa pagitan ng Guangxi at ASEAN.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |