Idinaos kahapon ng UN Security Council ang isang debatehan hinggil sa mga komprehensibong hakbangin laban sa terorismo. Lumahok sa debatehan ang mga kinatawan mula sa 15 kasaping bansa ng UNSC, mahigit 30 kasaping bansa ng UN, at Unyong Europeo.
Pinagtibay sa debatehan ng UNSC ang isang pahayag. Anito, dapat isagawa ang mga pangmatagalan at komprehensibong hakbangin, at kailangan ang positibong paglahok at pagtutulungan ng iba't ibang bansa, mga organisasyong panrehiyon at pandaigdig, para pigilan, pahinain, at ibukod ang terorismo, at pagtagumpayan ito sa bandang huli.
Sa debatehan, nanawagan din sa komunidad ng daigdig si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na magtulungan para mapasulong ang mahalagang usapin ng pagbibigay-dagok sa terorismo.
Salin: Liu Kai