|
||||||||
|
||
Idineklara kahapon ng International Monetary Fund (IMF) na pagkaraang matapos ang pagtayang ekonomiko sa Greece, naaprobahan na nito ang pagkakaloob ng 4.3 bilyong dolyares na utang sa naturang bansa.
Ang naturang pondo ay isang bahagi ng plano ng pagbibigay-tulong sa Greece na nagkakahalaga ng halos 170 bilyong dolyares. Ito ang narating ng mga pandaigdigang organisasyong gaya ng IMF, at EU, noong isang taon.
Sa isang pahayag na ipinalabas nang araw ding iyon ng IMF, sinabi nito na natamo ng Greece ang progreso sa aspekto ng reporma sa estruktura, ngunit kailangan pa nitong gumawa ng mas maraming pagsisikap.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |