Sa pagpasok ng Spring Festival ng kasalukuyang taon, tinatayang aabot sa 3.1 bilyon ang bilang ng mga pasahero ng sasakyang panlupa, na lumaki ng 9% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon, lumaki naman ng 1.5% ang nasabing bilang sa tubig, at 5.2% sa himpapawid.
Kaugnay nito, hinimok ng transportation authority ng Tsina ang mga may kinalamang departamento sa iba't ibang lugar, na pahigpitin ang seguridad sa paghahatid, at pabutihin ang serbisyong pang-impormasyon, habang maganap ang negatibong kalagayan, na posibileng idulot ng grabeng klima.