Ayon sa ulat ng Iranian Students' News Agency, natapos kahapon sa Tehean ang bagong round ng talastasan ng International Atomic Energy Agency (IAEA) at Iran. Subalit, hindi binanggit ng naturang ulat ang detalye ng talastasan: isiniwalat lamang nitong idaraos ang susunod na round ng talastasan sa ika-12 ng Pebrero.
Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nagpapalabas ng anumang pormal na pahayag ang pamahalaan ng Iran o IAEA. Pero, sinipi ng Reuters ang sinabi ng isang opisyal ng isang bansang kanluranin, na ayaw magpabanggit ng pangalan, na hindi pa narating ang anumang kasunduan ng IAEA at Iran.
salin:wle