Ipinahayag kamakailan ng Investment Coordinating Board ng Indonesia, na noong nagdaang taon, umabot sa 32.5 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pamumuhunan mula sa ibang bansa. Ito'y pinakamataas na halaga sa kasaysayan.
Ayon sa ulat, positibo ang naturang pamumuhunan sa industriya ng minahan, transportasyon, at parmasiyotika ng naturang bansa.
Sa kabila ng di-optimistikong kalagayang pangkabuhayan ng daigdig, malaki ang nailagak na pondong dayuhan sa Indonesia, dahil sa kanyang mabilis na kaunlarang pangkabuhayan.