Ayon sa Xin Hua News Agency ng Tsina, mula ika-6 hanggang ika-8 ng Abril, idaraos sa Hainan ang 2013 Bo-ao Asia Forum. Ang tema ng porum ay: reporma, responsibilidad, at kooperasyon, para sa magkakasamang pag-unlad ng Asya.
Inilahad kahapon sa Beijing ni Zhou Wenzhong, Pangkalahatang Kalihim ng naturang porum, na mga dalawang libong kinatawan mula sa iba't ibang bansa sa daigdig ang dadalo sa 51 symposiums.
Sinabi rin niya na ang pagpapalakas ng kooperasyong panrehiyon at integrasyong pangkabuhayan ay makakatulong sa kaunlarang pangkabuhayan ng mga bansang Asyano.