Sa kanyang pakikipag-usap kay Natsuo Yamaguchi, Puno ng Partidong New Komeito ng Hapon, sa Beijing, kahapon, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Yang Jiechi ng Tsina, na positibo ang Tsina sa malusog na relasyong Sino-Hapones. Sinabi ni Yang, na ang pagpapasulong ng naturang relasyon ay hindi lamang angkop sa komong interes ng dalawang bansa, kundi makakatulong din sa kapayapaan at kaunlaran ng Asya. Aniya, dapat maayos na lutasin ng dalawang panig ang isyu ng Diaoyu Islands, sa pamamagitan ng diyalogo, para mapangalagaan ang kanilang relasyong bilateral. Umaasa rin aniya ang Tsina na magsasagawa ang Hapon ng mga mabisang aksiyon, para sa pagpapaganda ng pagtutulungan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Natsuo Yamaguchi, na positibo siya sa paninindigan ng Tsina hinggil sa isyu ng relasyong Sino-Hapones, at Diaoyu Islands. Nakahanda aniya ang kanyang partido, na magsikap, para pagandahin ang relasyon ng dalawang bansa.