|
||||||||
|
||
Nagpulong kaninang umaga ang Gabinete ng Hapon. Pormal na ipinasiya sa pulong na susugan ang umiiral na National Defense Program Guidelines at Mid-Term Defense Program.
Ipinasiya rin sa pulong ang pansamantalang plano sa pagsasaayos ng puwersang pandepensa, para mapalakas ang kakayahan sa pangangalaga sa teritoryong panlupa, pandagat at panghimpapawid, at pagharap sa iba't ibang pangkagipitang pangyayari.
Sa malapit na hinaharap, bubuuin ng Ministri ng Tanggulan ng Hapon ang isang espesyal na komisyon para mapasulong ang gawain ng pagsususog sa naturang dalawang plano. Pinaplano nitong iharap ang mid-term report sa Hunyo ng taong ito, at itatakda rin nito ang bagong National Defense Program Guidelines at Mid-Term Defense Program sa loob ng kasalukuyang taon.
Ayon sa pag-aanalisa ng Japanese media, ipinalalagay ng pamahalaan ni Shinzo Abe na naganap ang pagbabago sa kapaligirang panseguridad sa paligid ng Hapon, kaya ipapakita ng bagong planong pandepensa ang mga nilalaman hinggil sa pagpapalawak ng self-defense force, pagpapabuti ng pasilidad at pagpapalaki ng badyet.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |