Pormal na ininomina kahapon ni Park Geun-hye, bagong halal na Pangulo ng Timog Korea, si Kim Yong-joon, Tagapangulo ng Komisyon sa Paglilipat ng Tungkulin ng Pangulo, bilang kandidato sa pagka-Punong Ministro ng bansa.
Ipinahayag ni Kim na kung aaprobahan ng Pambansang Asemblea ang nominasyong ito, susundin niya ang konstitusyon, at buong lakas na tutulungan ang mga gawain ng pangulo. Batay sa kinauukulang batas ng Timog Korea, pormal na manunungkulan ang kandidato sa pagka-punong ministro pagkaraang makumpirma siya ng pambansang asemblea.
Salin: Vera