Sa kanyang artikulong ipinalabas kahapon sa Washington Post, nanawagan si Jim Yong Kim, Presidente ng World Bank (WB), sa iba't ibang bansa na umaksyon sa lalong madaling panahon, para maiwasan ang pagkaganap ng kapahamakan ng klima sa buong mundo.
Tinukoy ni Jim na lumilinaw nang lumilinaw ang palatandaan ng pagiging mainit ng klima sa buong daigdig. Noong nagdaang taon, isang serye ng pinakamasamang lagay ng klima ang naganap sa iba't ibang sulok ng mundo. Aniya, sa World Economic Forum na idaraos sa Davos, dapat maging isa sa mga pinakamahalagang paksa ang pagbabago ng klima, dahil ang pagiging mainit ng klima ay nagsasapanganib sa bunga ng kaunlaran ng daigdig.
Salin: Vera