Ipinahayag dito sa Beijing kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa kasalukuyan, masalimuot at sensitibo ang kalagayan ng Korean Peninsula. Tinututulan aniya ng panig Tsino ang anumang aksyon na posibleng humantong sa paglala ng maigting na kalagayan ng rehiyong ito, at di makakabuti sa walang nuklear na Korean Peninsula. Nanawagan din siya sa iba't ibang may kinalamang panig na magtimpi para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula.
Salin: Vera