Pinanguluhan kahapon ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina ang regular na pulong ng Konseho ng Estado ng bansa, hinggil sa paggalugad sa pagkontrol ng gastos sa enerhiya.
Iniharap sa pulong na dapat ganap na patingkarin ang papel ng mekanismo ng pamilihan, para mapasulong ang reporma sa produksyon at gastos ng enerhiya, at mabilis ang pagpapatatag ng bagong sistema hinggil sa pagkontrol sa katindihan at kabuuan ng gastos sa enerhiya. Sinang-ayunan din sa pulong ang target na iniharap ng Komisyon ng Estado ng Tsina sa Pag-unlad at Reporma: hanggang 2015. Kokontrolin sa loob ng 4 na bilyong toneladang standard coal ang kabuuang gastos sa enerhiya ng buong bansa, samantalang 6.15 trilyong kilowatt hour naman ang magiging kabuuang gastos sa koryente.
Salin: Andrea