|
||||||||
|
||
Sa pangungulo sa isang pulong ng Politburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, binigyan-diin ni Xi na, dapat igiit ng Tsina na tumatahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, pero, hindi dapat itatakwil ng Tsina ang legal na karapatan, at hindi i-sasakripisyo ang nukleong kapakanan ng bansa.
Hinggil dito, sinabi ni Jin Canrong, dalubhasa ng Renmin University of China na ang naturang talumpati ni Xi ay nagpakita na sa kauna-unahang pagkakataon, ang bagong liderato ng CPC ay nagpaliwanag ng ganitong prinsipyo. Sinabi niyang ito ay makakatulong sa komprehensibong pagkaunawa ng komunidad ng daigdig sa malalim na nilalaman ng landas ng mapayapang pag-unlad ng Tsina.
Sinabi ni Su Hao, Propesor ng Institute of Diplomacy ng Tsina na ipinalalagay ng lider ng CPC na ang pag-unlad ng Tsina ay nangangailangan ng mapayapang kapaligirang panlabas, pero, dapat magkasamang mapangalagaan at likhain ng komunidad ng daigdig ang kapaligirang ito, nang hindi itinatakwil ng Tsina ang nukleong kapakanan ng bansa.
Sa talumpating ito, tinukoy rin ni Xi na ang Tsina ay tumatahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, at dapat tahakin din ng ibang bansa ang landas na ito; kung tatahak ang iba't ibang bansa sa landas na ito lamang, saka lamang magkasamang uunlad ang naturang mga bansa.
Hinggil sa talumpating ito, ipinalalgay ng ilang mediang dayuhan na ito ay isang "mahigpit na pagpapakita ng pagkamakabayan." At ito ay nagdulot ng pagkabalisa ng mga kapit bansa ng Tsina. Sinabi ni Su na ito ay di-tamang pagbasa at ikinakalat ng ilang mediang dayuhan ang umano'y "China Threat Theory". Ipinahayag ni Su na ang diplomatikong patakaran ng Tsina ay naglalayong lumikha ng mabuting kapaligirang panlabas para sa pag-unlad ng Tsina.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |