Hinatulan kahapon ng isang lokal na hukuman sa lalawigang Gansu sa timog kanlurang Tsina, ang 6 na Tibetano ng 3 hanggang 12 taong pagkabilanggo, dahil ang kanilang ginawa sa isang kaso ng self-immolation ay itinuturing na intentional homicide.
Naganap ang kasong ito noong Oktubre ng nagdaang taon sa isang nayon sa Gansu. Noong iniligtas ng mga pulis ang isang taong nagsunog ng sarili, hinadlangan at sinalakay ng naturang 6 na defendant ang mga pulis, at humantong ito sa pagkamatay ng naturang tao.
Ang naturang hatol ay ginawa pagkatapos ng isang open trial na nilahukan ng mahigit 70 tao na kinabibilangan ng mga kamag-anakan ng 6 na defendant. Lumahok din sa paglilitis ang mga tagasalin sa wikang Tibetano bilang tulong sa mga defendant.
Salin: Liu Kai