Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing sa delegasyon ng mga kongresistang Amerikano na pinamunuan ni Edward Royce, Puno ng Lupon sa mga Suliraning Panlabas ng House of Representative, sinabi ni Li Keqiang, Pangalawang Premier ng Tsina na may mahalagang katuturan ang relasyong Sino-Amerikano sa estratehiyang pandaigdig. Aniya, dapat mapangalagaan ang nukleo at komong interes ng Tsina at Amerika para pasulungin ang partnership ng dalawang bansa, batay sa paggagalangan at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan.
Ipinahayag naman ng panig Amerikano na ang relasyong Sino-Amerikano ay nagsisilbing pinakamahalagang bilateral na relasyon sa daigdig. Dapat anilang pahigpitin ng Tsina at Amerika ang diyalogo at kooperasyon sa iba't ibang larangan para mapasulong ang kasaganaan, kaunlaran ng dalawang bansa, at kapayapaan at katatagan ng daigdig.