Mga alas-8 kahapon ng umaga, naglayag ang Chinese maritime surveillance ship No. 51 at No. 46 sa loob ng teritoryong pandagat ng Diaoyu Islands ng Tsina.
Pagpasok ng taong 2013, isinagawa ng Tsina ang maraming hakbangin para mapataas ang maritime surveillance facility nito. Noong nagdaang buwan, may 4 na bagong bapor ang sumapi sa hanay ng maritime surveillance ships. Naisaoperasyon na ang unang plataporma ng pagharap sa mga pangkagipitang pangyayari sa South China Sea.
Sa isang pambansang pulong hinggil sa gawaing pandagat nauna rito, ipinahayag ni Liu Cigui, Direktor ng State Oceanic Administration ng Tsina, na sa hinaharap, magiging mas masalimuot ang kayarian ng pangangalaga sa karapatang pandagat, kaya igigiit ng Tsina ang regular na paglalayag para sa pangangalaga sa sariling karapatan.
Salin: Vera