Binigyang-diin ngayong araw ni Cheng Yonghua, Embahador ng Tsina sa Hapon, na ang Diaoyu Island ay katutubong teritoryo ng Tsina, at ang kinauukulang rehiyong pandagat sa paligid nito ay teritoryo ng Tsina. Aniya, ang paglalayag ng Chinese maritime surveillance ships sa karagatan ng Diaoyu Islands ay normal na aktibidad ng pangangalaga sa sariling karapatan. Hinding hindi aniya tinatanggap ng Tsina ang representasyon at protesta ng panig Hapones tungkol dito. Humiling din siya sa panig Hapones na itigil ang paghadlang sa aktibidad ng naturang mga bapor na Tsino.
Nakipagtagpo ngayong araw si Saiki Akitaka, Opisyal ng Ministring Panlabas ng Hapon, kay Embahador Cheng, para iharap ang protesta sa pagpasok ng Chinese maritime surveillance ships sa Diaoyu Islands.
Salin: Vera