Pinanguluhan kahapon ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina ang pulong ng Konseho ng Estado, kung saan pinag-aralan at itinakda ang mga patakaran at hakbangin, para sa tuluy-tuloy at malusog na pag-unlad ng maritime fishery ng bansa.
Pinagtibay sa pulong ang isang dokumento hinggil sa mga pangunahing tungkulin ng pagpapaunlad ng maritime fishery. Kabilang dito ay pagpapalakas ng pangangalaga sa kapaligiran at ekolohiya ng dagat para sa sustenableng pag-unlad ng maritime fishery. Pinag-usapan din sa nasabing pulong ang pagpapaunlad ng mga bagong sektor ng industriya na gaya ng deep-sea fishery at pagpoproseso ng mga produktong akuwatiko, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mangingisda, pagpapalakas ng pagpapatupad ng batas sa larangan ng maritime fishery, at iba pa.
Salin: Liu Kai