13-taong pagkabilanggo ang hatol na ibinaba ngayong araw ng isang lokal na hukuman sa lalawigang Qinghai, sa hilagang kanlurang Tsina, sa isang Tibetano, dahil sa salang intentional homicide at pang-uupat sa pagkakawatak-watak ng bansa.
Ayon sa imbestigasyon, sa panunulsol ng naturang Tibetano, sinunog ng isang Tibetanong monghe ang kanyang sarili noong Nobyembre ng nagdaang taon. Pinamunuan din ng defendant ang isang ilegal na demonstrasyong humihingi sa "pagsasarili ng Tibet."
Batay sa mga nakolektang ebidensiya, ginawa ng hukuman ang naturang hatol pagkatapos ng isang open trial na nilahukan ng mahigit 100 tao na kinabibilangan ng mga kamag-anakan ng defendant. Lumahok din sa paglilitis ang mga tagasalin sa wikang Tibetano bilang tulong sa defendant.
Salin: Liu Kai