Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Magandang pamamalakad, susi sa kaunlaran

(GMT+08:00) 2013-02-08 18:55:33       CRI

MAGANDANG PAMAMALAKAD, SUSI SA KAUNLARAN

ANG magandang pamamalakad sa pamahalaan ang siyang susi sa kaunlaran. Ito ang sinabi ni House of Representatives Speaker Feliciano Belmonte, Jr. sa kanyang pahayag bago isinagawa ang adjournment ng sesyon noong Miyerkoles ng gabi.

Sinabi niyang layunin ng lahat na makabangon ang bansa at magkaroon ng bagong direksyon sa tamang paraan ng paglilingkod. Naka-angat na ang Pilipinas, dagdag pa ni Speaker Belmonte.

Kahit umano mahina ang ekonomiya ng daigdig, lumago ang ekonomiya ng bnasa sa 6.6% at nalampasan ang growth target na mula lima hanggang anim na por siyento ng economic managers ng bansa.

Isa ng rising tiger ang sinasabi noong sick man of Asia na halaw sa ulat ng World Bank. Naka-angat na ang Pilipinas ng may 24 na bahagdan sa Transparency International – Corruption Index, naka-angat ng sampung bahagdan sa World Economic Forum Competitiveness Rankings at naka-angat ng apat na bahagdan sa World Bank Government Effectiveness Indicator.

SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS, KABALIKAT NG PULISYA LABAN SA MASASAMANG LOOB SA HALALAN

NAGTUTULUNGAN ANG ARMED FORCES AT PNP LABAN SA PRIVATE ARMED GROUPS.  Ito ang ipinaliwanag ni Col. Arnulfo Marcelino Burgos, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines sa panayam ng CBCP Online Radio.  Niliwanag niyang ginagawa ng pamahalaan ang lahat matiyak lamang na payapa ang darating na halalan.

MAYROONG pagtutulungan ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Pambansang Pulisya bilang paghahanda sa darating na halalan sa buwan ng Mayo ng taong ito.

Mayroong pagpapalitan ng intelligence reports ang pulisya at mga kawal partikular sa larangan ng private/partisan armed groups. Ito ang sinabi ni Col. Arnulfo Marcelino Burgos, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines sa isang panayam sa kanyang tanggapan sa Campo Aguinaldo sa Quezon City.

Nakatuon ang kanilang pansin sa mga lalawigan ng Maguindanao, Masbate, Samar, Zamboanga Peninsula, Basilan at Sulu dahilan sa historical records ng mga nakalipas na halalan.

May konsultasyon sa pagitan ng dalawang law enforcement agencies. Mahalaga rin ang ipinatutupad ng Commission on Elections na gun ban o pagbabawal ng pagdadala sa sandata sa labas ng tahanan ng mga taong may kaukulang pahintulot. Nabawasan na rin ang mga kawal na nakatalaga bilang mga bodyguard ng mga kilalang tao, partikular ang mga opisyal ng pamahalaan.

SINUSUNOD NG BANGKO SENTRAL ANG MARKET RATE

TANGING MARKET FORCES ANG NASUSUNOD.  Hindi nakikialam ang Bangko Sental ng Pilipinas sa pang-araw-araw na galaw ng palitan ng piso sa dolyar.  Ayon kay Bb. Fe dela Cruz, tagapagsalita ng BSP, tanging market forces at law of supply and demand ang nasusunod.  Maganda umano ang economic fundamentals ng Pilipinas kaya malakas ang piso.

WALANG target na exchange rate ang Bangko Sentral ng Pilipinas kung pag-uusapan ang pagpapalitan ng piso sa dolyar. Magugunitang nagrereklamo na ang mga overseas Filipino Workers sa biglang paglakas ng piso na naging dahilan ng pagbagsak ng dolyar. Magugunitang halos lahat ng mga OFW ang kumikita ng US dollar, Euro at British pounds.

Sa isang panayam, sinabi ni Fe Dela Cruz, tagapagsalita ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nakasalalay lamang ito sa market forces, sa law of supply and demand.

Maganda umano ang economic fundamentals ng Pilipinas kaya't malakas ang pasok ng foreign exchange mula sa mga negosyanteng naglalagak ng salapi sa kanilang kalakal na sinasabayan pa ng mga padala ng mga manggagawang Pilipino.

Tumaas nga ang international reserves ng Pilipinas. Bilang karagdagan sa nagaganap ngayon, kung ang mga investors ang maglalabas ng kanilang tinubo at kapital, makapaglalabas sila ng salaping ayon sa kanilang kailangan tulad ng US dollar.

SIMBAHAN MAGLULUNSAD NG PALATUNTUNANG MAGPAPAKAIN SA MGA KABATAAN

CARDINAL TAGLE, NANAWAGANG MAG-AYUNO.  Sa pag-aayuno, ang salaping matitipid ay magagamit sa pagpapakain ng mga batang hanggang 12 taong gulang sa pamamagitan ng Hapag-Asa at Pondo ng Pinoy.  Mahalaga ito sa panahon ng Kwaresma, dagdag pa ni Cardinal Tagle.

PAMUMUNUAN ng Arkediyosesis ng Maynila ang paglikom ng salapi upang makakain ang may 250,000 kabataan sa buong bansa sa susunod na taon. Sisimulan ito sa Miyerkoles de Ceniza o Ash Wednesday, ika-13 ng Pebrero na siyang simula ng Cuaresma.

Pinangalanang Fast2Feed, ang kampanya ay para sa Hapag-Asa feeding program ng Pondo ng Pinoy ay magmumula sa mga mamamayan na hihilingang magayuno sa buong panahon ng Cuaresma. Ang salaping malilikom mula sa pag-aayuno ay salaping gagamitin sa pagpapapakain ng mga kabataan. Nakapagpakain na umano ang Hapag-Asa ng may isang milyong mga kabataan simula noong 2005.

Mag-aambag naman ang Pondo ng Pinoy ng lima hanggang sampung piso sa bawat araw o P 600 hanggang P 1,200 sa bawat bata sa loob ng anim na buwan. Makikinabang ang mga batang anim na buwan hanggang 12 taon at kakain ng minsan sa maghapon sa loob ng limang araw sa bawat linggo sa pagkaing masustansya. Makakasama rin ang mga magulang upang magsanay sa paghahanda ng mga kailangang pagkain ng kanilang mga sanggol. May kasama ring skills training.

Sa kanyang pastoral statement, sinabi ni Archbishop Luis Antonio Gokim Cardinal Tagle na magandang oprtunidad na pasiglahin ang Season of Lent sa pagpapakasakit at pagdamay sa mahihirap.

PANGALAWANG PANGULONG BINAY, BUMALIK NA MULA SA CAMBODIA

BUMALIK na sa bansa si Pangalawang Pangulong Jejomar Binay mula sa Cambodia kagabi. Si Ginoong Binay ang opisyal na kinatawan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa royal cremation ng labi ni Haring Norodom Sihanouk, ang kinikilalang Ama ng Cambodia.

Sa kanyang arrival statement, sinabi ni Ginoong Binay na naging Hari ng Cambodia na iginagalang at minamahal ng mga mamamayan ang namayapang lider.

Inaalala ng Pilipinas ang namayapang lider ng Cambodia sa kanyang mga pagdalaw sa Pilipinas, partikular noong 1956, sa pagsisimula ng magandang relasyon ng dalawang bansa. Nakailang ulit din siyang dumalaw sa Pilipinas na naging dahilan ng mas marubdob na relasyon ng dalawang bansa.

Nakausap din ni Pangalawang Pangulong Binay si Prime Minister Hun Sen na siyang tumanggap ng pakikiramay ng buong bansa. Interesado rin ang Pilipinas na palawakin pa ang relasyon ng dalawang bansa. Magpapatuloy at higit na magiging madalas ang bilateral cooperation at exchange, paglahok at paglagda sa mga kasunduang lalaban sa transnational crimes, kalakal ng bigas, pagtutulungan sa larangan ng kultura.

Iminungkahi pa ni Ginoong Hun Sen ang pagkakaroon ng direct flights sa pagitan ng Maynila at Phnom Penh.

Ani Ginoong Binay, nakausap din niya ang may 500 mga Pilipino sa Cambodia. Ibinalita niya ang mga nagaganap sa Pilipinas at mga benepisyo sa larangan ng OWWA at PhilHealth.

Sa royal cremation, nakatabi niya si French Prime Minister Jean-Marc Ayrault at ang kanyang maybahay at Price Akishino ng Japan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>