Ngayong araw, ika-10 ng Pebrero, ay unang araw ng Bagong Taon sa Chinese lunar calendar, at bisperas din ng Bagong Taon sa Tibetan calendar. Sa araw na ito, maligayang ipinagdiriwang ng mga mamamayan sa Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina ang dalawang kapistahang ito.
Sa Lhasa, punong lunsod ng naturang rehiyong awtonomo at isang kilalang lugar na panturista, nagdaos ng selebrasyon ang mga lokal na residente kasama ng mga turista mula sa loob at labas ng Tsina.
Ang Tibetan New Year ay pinakamaringal na tradisyonal na kapistahan ng mga Tibetano. Ang selebrasyon nito ay tumatagal ng 15 araw at nagsisimula sa unang araw ng Bagong Taon. Sa panahong ito, idinaraos ng mga Tibetano ang iba't ibang makukulay na katutubong selebrasyon.
Salin: Liu Kai