Sa panahon ng Spring Festival, inilunsad ng Central Civilization Office, Ministri ng Komunikasyon at Transportasyon, Ministri ng Daambakal, Administrasyon ng Abiyasyong Sibil, at Pederasyon ng mga May-kapansanan ng Tsina ang espesyal na aktibidad bilang tulong sa mga may-kapansanan.
Sa aktibidad na ito, ibinigay ng naturang mga organo ang espesyal na serbisyo sa mga may-kapansanan na naglalakbay sa ibang lugar sa pamamagitan ng tren, bapor, at eroplano. Ipinadala nila ang mga boluntaryo na bumisita sa mga may-kapansanan at tumulong sa kanilang paghahanda para sa Spring Festival. Nag-organisa rin sila ng mga palabas na pansining at pagtatanghal ng pelikula para sa mga may-kapansanan.
Salin: Liu Kai